Papel

Papel
Picture from google.com

Isang bata
Na may isang napakalinis na papel,

Ito'y nakapanghihinayang kung susulatan,
Ni  ayaw padapuan o di kaya'y palapitan man lang,

Isang napakaliit na tuldok ang di sinasadyang ilagay,
Nasundan pa ng isang napakaliit na tuldok...
Tuldok na naman at isa pang tuldok,
Idinugtong ang isang tuldok sa isa pang tuldok,
Nagawa ang isang linya at nasundan ng isa pang linya,
Hanggang sa dumami ang linya,
Lumutang ang isang hugis,
Dumami na rin ang mga hugis,
Nagkakagulo na ang mga hugis.

Nagpatong-patong na ang mga linya,
Halos mapuno na ng tuldok ang isang buong papel,
Sari-saring hugis din ang di maiwasang lumutang,
Hanggang sa magusot na ito at magsimulang mapunit,
Tila wala na itong pag-asang bumalik sa pagiging malinis,

Isang bata ,
Na may isang napakaruming papel,

…dahil lamang sa iisang napakaliit na tuldok.

Comments