Ang Adarna Photo Contest
Picture from Adarna House Facebook Account |
Isa sa hindi ko makakalimutang karanasan noong ako ay nasa elementarya pa lamang ay ang pagbisita sa amin ng iba't-ibang grupo na may dalang panindang inu-offer. Mula sa mga sewing paraphernalias for our THE subject hanggang sa mga drawing set for our Art subject, halos lahat ay inialok na sa amin. Bilang mga kabataan, nasisiyahan talaga kami sa kanilang pagdating upang ipakilala ang kanilang mga produkto. Nakakatulong sila sa aming pag-aaral at nakakaboost din ng self confidence para sa mga nakakabili nito. Ito ang dahilan kung bakit minsan kong pinangarap ang makabili ng kanilang mga offers. Subrang napakababaw ng pangarap na ito pero bilang isang bata, iniyakan ko ito noong sabihin ni mama na wala kaming pera para dito.
Isa sa mga hindi ko makakalimutang ala-ala na katulad nito ay ng minsang may mag-alok sa aming klase ng mga librong pambata. Di pa ganuon kabuo ang aking kamalayan ng mga oras na iyon kaya hindi ko lubusang maalala kung Adarna House staff ba ang naglibot sa aming school ng mga oras na 'yon o ibang grupo na nagu-offer din ng children's book. Isa lamang ang tumatak sa aking isipan na naging laman ng aking mga panaginip sa loob ng halos ilang gabi matapos itong maintroduce sa amin. Ito ay ang librong Si Pilandok at ang Manok na Nangigitlog ng Ginto. Grumaduate na lang ako sa elementary pero hindi ako nakabili kahit ni isang libro ni Pilandok. Nagdaan pa ang ilang mga taon at unti-unti ng nagbago ang aking mga interes at masasabi kong si Pilandok ay isa na lamang sa mga masasayang ala-ala ng aking pagkabata.
Nasa kolehiyo ako ng madiskubri ko sa aking sarili ang satisfaction mula sa paggawa ng mga tauhan at tagpo sa mga akda kong tula at maikling kweto. Sa di inaasahang panahon natanaw ko na lang ang aking sarili na hindi makatulog sa isang gabing ginagambala ako ng mga characters na nabuo sa aking isipan. Nais ko silang isabuhay through my pen. Naghanap na rin ako ng mga grupong may katulad ng aking interes upang mas lalo pang lumago at yumaman ang bagong interes na aking kinahuhumalingan. Hanggang ngayon ay winewelcome ko pa rin ang mga grupong pweding umakay sa akin patungo sa mundo ng panulatan.
Isang araw, may nabasa akong post sa panitikan.com.ph na may titulong ADARNA LAUNCHES FACEBOOK PHOTO CONTEST. Sa pamamagitan nito, naalala ko si Pilandok na isang karakter na tumatak sa aking isipan noong ako ay bata pa. Ninais kong sumali ngunit nang una'y nag-alinlangan ako. I have a poor camera at di ko rin hobby ang magtake ng picture na may artistic touch. Sa isang di sinasadyang pagkakataon, habang naglalakad ako sa baywalk pagkatapos ng aking check-up sa Ospital ng Maynila, may nakita akong tatlong bata na naglalaro. Naalala kong kinakailangan ko pala ng subject sa aking photo kaya dinukot ko ang aking camera sa bag (na palagi kong dinadala saan man ako magpunta). Naiilang akong lumapit sa mga bata at tinanong kung maaari ba silang kunan ng letrato habang binabasa ang dala kung Adarna Book na may titulong Magnifecent Benito. Hindi nagdalawang isip ang mga bata na gawin ang request ko. Nasiyahan naman sila sa kwento ni Benito. Nasiyahan din sila sa iilang coins na iniabot ko pati sa ice cream na kanilang nirequest pagkatapos ng photo shoot.
My Photo Entry |
Masaya akong umuwi ng bahay at isa-isang pinili ang mga photos na may magandang angle. Nilinis ng kaunti ang mga photos gamit ang simpleng kakayahan ko sa pagmanipula ng photo shop at walang pakundangang isinend ito sa facebook account ng Adarna House bilang entry sa nasabing photo contest. Umani ng likes and comments ang photo na ito tulad ng mga sumusunod:
Marlyn Casurao the emotion of the pic is nice. puzzling- parang sad but theirs joy from deep within. parang namamangha sa kwento o di kaya'y nakakarelate sa flow ng story. It's dramatic, great.
Augie Rivera ang ganda! salamat! ;-p (Author ng Magnificent Benito)
Lawrence Corpuz ah, ok..... bravo Ryan!
Rainna Felices whata work!!!
Teeda Pascual wow, love this!
Michelle Sabilao in fairness yan kaupay.. gin balikan mn nagy.an an pag ungay san contest sa photography.. love it...
Kora Dandan Albano touching ang isang ito :(
Ang aking tulang inilapat sa larawan |
Ayon sa mechanics pipiliin ang dalawang winners. Ang isa ay para sa Most Liked Photo at ang isa naman ay para sa Grand Prize Winner na siyang pipiliin ng board of judges. Matapos ang deadline (August 30, 2010), nagkaroon ng 66 entries ang patimpalak. Overwhelming at exciting ang magiging result dahil sa dami ng sumali kaya naman napakasaya ko ng mapabilang ang aking entry sa 12 photos na napili ng Adarna House para sa kanilang ipoproduce na 2011 calendar. It was announced on September13, 2010 through Adarna Official FB Account.
Isa sa pinakaaabangang parte ng competition ay ang awarding ceremony na isinasagawa sa araw na ito habang isinusulat ko itong post. Sa araw ring ito (September 18, 2010) ipinagdiriwang ng Adarna House ang kanilang 30th Anniversary kung saan maraming exciting events ang magaganap sa SMX Convention Center. Masaya ang araw na ito para sa mga bata ngunit isa naman ito sa mga malulungkot kong araw dahil sa kabiguan kong makaattend sa nasabing ceremony dahil sa toothache. Inabangan ko ang pagdedeclare ng winner sa nasabing photo contest hangang sa napag-alaman kong photo ni Abbie Tomas-Mendez ang nagwagi as Grand Prize winner at photo naman ni Sheila Ganzan ang hinirang na viewers' choice. I was happy with the result since pareho silang deserving that's why it made me comment like this: Ryan Vidal Labana Congrats, actually ito yung bet ko since then. Simple, with good technical quality, with great composition, just with the right angle, sincere and real, gaily, malinis and bongga : D
The Grand Prize Winner |
The Viewers' Choice Awardee |
Ang saya ng experience na ito. Hindi ko lamang naencounter ang makipag-ugnayan sa Adarna House na bumuo ng kinahuhumalingan kong si Pilandok kundi nakilala ko rin ang bagong sining na nakakaaliw. Maliban sa pagsusulat ng mga tula at ng mga maiikling kwento, nalaman kong masaya rin pala ang photography. Aabangan ko na lamang sa hinaharap kung may pwesto nga ba ako sa larangan ng photography.
Comments