Obra ng Isang Anak

copyright+Gail+M.+Allen.jpg
Obra ng Isang Anak

Isang batang tahimik sa isang sulok,
Nagpipinta siya…
Magagandang rosas ang guhit-guhit niya,
Mga rosas na matitinik na nakaalampay
Sa leeg ng kanyang ina,
Puno ng dugo ang kanyang kamay,
Kulay pula na ipinapahid niyang pangkulay,
Pagod na ang kanyang utak sa kaiisip,
Ngunit di niya mapigilan ang kanyang ginagawa,
Pilit niyang tinatapos ang isang obra,
Ang isang larawan ng inang nagdurusa,
Sa pasang tinik ng mga rosa.

Comments

Anonymous said…
"nagdurosa" should have been "nagdurusa"... bisaya spelling kasi...
Ang iyong lingkod said…
Salamat anonymous sa iyong puna. Kung mapapansin mo sa taas ay may mababasa kang, some poems are in progress. Kabilang po ito sa mga tulang iyon. At sana'y wag po nating isipin na portke't bisaya ay mali mali na ang spelling. Tinatanggap ko ang puna mo para sa aking sariling akda pero sana'y hindi nito sinasalamin ang pagspell ng buong kabisayaan : D
Anonymous said…
if they were "in progress", why publish them online... you could have just saved them as a draft... you posted them, so expect some negative or positive comments... sa aking palagay, ay mali ang spelling pag "bisaya" ang pagkaka-spell.. kasi gumagamit ka ng wikang tagalog, not bisaya... logic lang po...
Ang iyong lingkod said…
Salamat sa comment, I'll take it for my own progress : D