Thursday, October 27, 2011

TulaLang Pinoy

Nag-iisip ako ng maaaring titulo ng aking blog. Before kasi, it was entitled My Pen And My Poem. Oh diba parang sosyal? Ah okay, sigi na nga... hindi na kung hindi!

Naalala ko ang mga pagkakataong di ko mahagilap kung saang bahagi ng mundong ito naroroon ang mga bagay na gusto kong isulat. Sa wakas nahahanap ko sila sa mga pagkakataong nakatulala ako dahil sa sari-saring problema, inspirasyon, katatawanan at marami pang walang kwentang bagay sa aking kapaligiran. Ayun at nakakasulat na ako ng mga maikling kwento, tula at mga salitang pinagdugtong-dugtong ko para kusutin lang ang papel at itapon sa basurahan. Nakakatulala! Ikaw bakit ka nakatulala?

No comments: