Thursday, September 16, 2010

Sari-saring Larong Pinoy

Pictures by google.com
Sari-saring Larong Pinoy

Mga bata’y naglalaro sa bundok ng basura:

Patintero, bantayan ang puwesto,
Luksong tinik, mag-ingat sa basag na basyo,
Piko, nakakahilong liko-liko,
Sipa, sipain sa tabi ang mga basurang walang silbi,
Tansan, Kung kulektahin ay mainam,
Tumbang preso, lata’y sentimos ang presyo,
Habulan, sa timbanga’y mag-unahan,
Teks, sai, walada, lotat…
                                    Ilang sentimo meron ka?

Pagkatapos ng bayaran
uuwi na sa naghihikahos nilang tahanan.

2 comments:

Anonymous said...

nakuha ko kaagad ang nais mong iipahayag...subalit kailangan mong kumunsulta ng dictionary minsan kasi yung ibang spelling mo ay di tama.. just like "kuliktahin"... i think it should have been "kolektahin." tapos yung "patentero", it should have been "patintero". i believe those are the correct spelling as pronounced in tagalog...

Ang iyong lingkod said...

Salamat, naniniwala akong annoying ang wrong spelling at wrong grammar dahil annoyed din ako dito. In progress kasi ang mga poems and ichecheck ko na lang ang mga ito para mawasto. Salamat ulit : D