Nakakatulalang AWARDS


NakakaTULALA rin minsan ang di inaasahang pagkamit ng gantimpala o di kaya'y pagkilala sa iyong mga akda. Sa mundong nais kong galawan— sa mundong kinabibilangan ng mga matatalino, nagtatali-talinohan, mga baliw, mga weirdo, mga mapangarapin, at kung anu-ano pang nakakatulalang kaadikan—  naramdaman ko rin naman ang pagtanggap ng mga naghahari-hariang pinuno ng mundong ito. Iyon ‘yong mga elitistang manunulat na tanging ang kanilang grupo lamang ang nakakaintindi ng kanilang mga isinusulat.
May mga pagkakataon ring sabay-sabay na pinalakpakan ng publiko ang mensahe ng aking isinulat. Malaki ang kontribusyon ng Facebook sa paghubog sa aking pagkatao sa mundo ng panulatan. Marami akong mga naging kaibigan na may matinding pagkahumaling din sa literatura at binabasang komunikasyon. Marami rin ang mga grupong nanghihikayat na sila’y salihan at samahan sa mundong sila lang ang nagkakaunawaan.
Ang pahinang ito ng aking blog ay nagpapakilala sa LaBana Pages bilang isang gawa-gawang pagkakakilanlan sa dalawa kong katauhan. Ako si Ryan Labana—isang rehistradong guro, Kristiyano at Filipino. Nasyonalismo ang nais kong paksa sa aking mga akda. Sumusulat ako ng mga sanaysay, tula at maikling kuwento tungkol sa kahulugan ng buhay. Lagpas sa aking pagkatao ay si Vida La Bana—gawa-gawang penname na sumusulat ng mga nobela tungkol sa usaping romansa. Dalawang magkaibang personalidad na ikinukubli ng iisang katauhan.
Nais ring magpasalamat ng pahinang ito sa mga kautakang nagbigay pagkilala at palakpakan sa ilang akdang nabuo ng LaBana Pages.

Engkwentro Sa Amamayong at Don't Call My Name (December 7, 2011)
            Kabilang sa mga nagwagi ng pagkilala sa panulatang paninindak ng PSICOM ay mga akda ni Ryan Labana na may titulong Don’t Call My Name at Engkwentro sa Amamayong. Ang ikalawa sa nabanggit na akda ay nagkamit rin ng ikatlong gantimpala mula sa PSICOM.


              Ang Paglalakbay (October 31, 2011)

             Sa pagtutulungan ng Goethe-Institute Philippines at Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), inihahandog ang Rizalstrasse: Tulaan sa Facebook 2011. Ang Rizalstrasse: Tulaan sa Facebook 2011 ay isang paligsahan ng mga tulang nasa katutubong anyo ng Filipinas. Sa paligsahang ito, itatampok ng mga lahok sa patimpalak ang anyong diyona – isang tulang may iisang saknong, may isahang tugma, binubuo ng tatlo...ng taludtod, at may pitong pantig sa bawat taludtod.
            Ang akda ni Ryan Labana na may titulong PAGLALAKBAY ay nagkamit ng Karangalang Banggit.

      
          


              Pangarap Ng Mga Bata, Nasa Pahina (September 18, 2010)
              Nagkaroon din ako ng pagkakataong sumali sa mga Photo Contest (nagmamagaling lang, hehehe). Isa sa mga di ko makakalimutang patimpalak ay ang Adarna Photo Contest na ginanap noong August, 2010. Isa ang aking kuhang letrato (mula sa humigit-kumulang isang daang entry) sa napili bilang Unang Labing-Dalawang Magagandang Letrato ng patimpalak. Nailimbag din ang naturang letrato sa isang kalendaryo ng Adarna (2011). Nakakatuwa ang karanasan kong iyon pero mas nakakatuwa ang mga simpleng puna at komento tungkol dito:

Marlyn Casurao the emotion of the pic is nice. puzzling- parang sad but theirs joy from deep within. parang namamangha sa kwento o di kaya'y nakakarelate sa flow ng story. It's dramatic, great.

Augie Rivera ang ganda! salamat! ;-p  (Author ng Magnificent Benito)

Lawrence Corpuz ah, ok..... bravo Ryan!

Rainna Felices whata work!!!

Teeda Pascual wow, love this!

Michelle Sabilao in fairness yan kaupay.. gin balikan mn nagy.an an pag ungay san contest sa photography.. love it...

Kora Dandan Albano touching ang isang ito :(

Comments

jondmur said…
Galing naman! Congrats! ^_^
Anonymous said…
Congrats!
TulaLang Pinoy said…
Thanks Jondmur and Anonymous :)

Popular Posts