Liham Para Kay Gat Jose Rizal

Ika-30 ng Disyembre

Sa inyo mahal naming Pambansang Bayani,

Good morning sire!
Isang mapagpasalamat na araw
Sa bayaning pinipintuho naming mga Pilipino.
Ako’y nasa kalagitnaan ng pag-uusisa sa facebook wall
Ng aking mga kaibigan sa Amerika
Nang bigla kitang maalala.
Paano kaya kung wala ang isang katulad mo?
Magagawa ko po ba kaya ang mga bagay
Nang walang kinatatakutan o pinangangambahan?

How could I surf the net if Spaniards ban online communication?
Naaalala ko pa ang kwento ng aking lolo na sinang-ayunan ng aking guro:
Expressing yourself against them is a huge paglalapastangan!
And how could I watch Harry Potter?
And sing the theme song of Titanic?

Napakalaking bagay ang FREEDOM!
Salamat po ng marami!

And because of that, you deserve something big!
Nagpatayo po ang aming gobyerno ng engrandeng rebulto.
Dekalidad ang materyales nito na nanggaling pa sa The Netherlands.
Magkakaroon po kami ng magarbong selebrasyon:
Kantahan, sayawan. at walang humpay na pag-aalala sayo.
Today is Jose Rizal’s Day!
And we are going to twit, to post and to shout out…
Mabuhay ang bayaning dahilan ng aming kalayaan!

Nagmamahal,
Peter Smith

P.S. Better call me Peter.
Ang bantot kasi ng pangalang Pedro.


Ito ay kalahok sa Saranggola Blog Award 6

 
 
 


Comments