Thursday, November 10, 2011

Your Love Is Enough

Isa sa mga manuskrito ni Vida La Bana ay ang mismong love story ng kanyang nakatatandang kapatid na si Quelly. Dito ipinaliwanag ni Vida kung paano siya naging threat sa wagas ng pag-iibigan ng kanyang ate at ng asawa nitong si John. Abangan natin kung mapapublish nga ba itong kwentong ito bago matapos ang taon o early next year. Sa ngayon ay isang pasilip muna sa teaser ang maibibigay ko.




Binuo ng pagmamahal at pangarap ang magkapatid na Quelly at Raniel.  Dahil sa kahirapan ay kailangan niyang lumuwas ng Maynila baon ang pangako sa kapatid na di muna mag-aasawa habang hindi pa naiaahon sa kahirapan ang pamilya sa probensiya.
            Pero ang pasaway na puso ay kailan ma’y di pweding diktahan. Umibig siya kay John na sa una’y kanya pang tinaray-tarayan. Lumalim ang pagmamahalan nila at di na niya naisip pa ang pangako sa kapatid.
            Ilang taon na ang nakalipas ay nagmahalan pa rin ang dalawa. Hanggang sa napagpasyahan ni Raniel na lumuwas ng Maynila para magtrabaho. Magkukrus ang landas nilang tatlo. Magkakaroon ng ilang di pagkakaunawaan at maiipit si Quelly sa pagitan ng dalawa niyang minamahal. Back to basic tuloy ang drama ng buhay niya, sino ba ang mas matimbang? Ang pusong tumitibok o ang dugong nanalaytay sa buo niyang pagkatao? At sino sa dalawa ang sasabihan niyang ‘your love is enough.’

No comments: