Monday, November 7, 2011

Pasko Na Nga!

Bumili ako kanina ng nail cutter sa tindahan. 
Kasabay ko sa pila ang mga ale't mumunti nilang chikiting na nakangiting bitbit ang christmas lights, santa's wall decor, maliit na christmas tree, at iba pang palamuti sa bahay (nila siguro). 

Tumawag ako kay mama ng bandang ala una (kanina). Late na siyang nananghalian dahil ginagayakan niya ang bagong bili niyang xmas tree. Mas malaki na daw ito kaysa sa nabili niya last christmas.

Tinawagan ko din ang isa kong kaibigan sa probensiya. Nagsasanay na raw sila para sa carolling.

Humirit pa ng text ang pamangkin ko, "Tito wala akong line of 7 sa first grading. Yung pangako mong billiard(an), gawin mo na lang cellphone," Ha?! Okey...

PASKO NA NGA! Pero bakit di ko pa rin ito lubusang maramdaman. Until I realized... it's my family that will fill the spirit of Christmas from deep within :) Merry Christmas to all.

No comments: