Sa Aking Palagay features: Paglimot sa Nakaraan
Pictures by google.com |
Para sa post entitled "BSED Controversial Personalities", nadismaya lang ako ng major major kaya nabuo itong isang post bilang sagot sa mga comments and grievances. Ito'y sa aking palagay lang naman!
Unang tanong: Aling punto ang nakakainsulto dito? Alin ang nakakaoffend? Meron bang walang katutuhanan sa mga nabanggit dito o namisinterpret lang ng ating pagiging defensive? Ano man ang sagot sa mga tanong na ito, humihingi ako ng paumanhin from the very bottom of my heart. May katiting akong nalalaman sa basics ng copyright law o di kaya'y paggamit ng mga pangalan, lugar, totoong pangyayari at iba pa. Isa ito sa mga factors na kailangang ihandle ng maingat ng mga manunulat, sumusubok maging manunulat o mga trying hard na maging isang manunulat. Inaamin kong hindi ito naisaalang-alang ng post kong nabanggit kaya't humihingi ulit ako ng paumanhin.
Pangalawang tanong: Sino ba ang aking hinihingan ng paumanhin? Sila po ang aking mga kaklasing napikon o naoffend sa post na ito. Isa po akong BSED '07 graduate at sila po ang aking naging kasama sa paghubog ng aking sarili patungo sa pagiging isang propesyunal. Labindalawang students mula sa grupong ito ay idineklarang BSED Controversial Personalities ng blog na ito. Ang tanging layunin ng post na ito ay makapagbigay ng kasiyahan sa mga taong makakabasa nito na may direktang kaugnayan sa mga tauhan (yun ay ang mga classmates lang din namin sapagkat hindi naman makakarelate ang mga alien). Upang makiliti ang mga isipan ng mga mambabasa, sinariwa ng blog na ito ang mga iilang pangyayaring nagpangiti, nagpatawa at nagpahalakhak sa amin at sa mga taong nakasaksi dito.
Pangatlong tanong: Bakit nga ba hindi ko isinaalang-alang na posibleng maoffend ang ilang makakabasa nito? Honestly speaking, sa una'y di ko talaga mapagtanto. Nakilala ko ang aking mga kaklase na kalog, gaily, down to earth at higit sa lahat hindi pikon (dahil sila mismo'y namimikon din). Nabago ko ang puntong ito pagkatapos ng ilang minutong pagninilay-nilay, bakit nga ba? Ang sagot pala sa aking katanungan ay ang issue ng pagbabago. Pagbabago sa paniniwala, sa mga mithiin at sa buong pagkatao. Nakalimutan kong mayroon pa lang dalawang uri ng pagbabago. May mga pagbabagong slow pace kung baga at mayroon din namang pagbabagong daglian o abrupt. Ito ang aking nakalimutang punto. Maaaring nagbago na ang buong pagkatao ng iba kong kaklase pagkatapos ng almost four years na paghihiwalay namin (matagal-tagal na rin yun). Maaaring their names is as precious as their status in life today kaya kailangang humingi ng pahintulot na gamitin ang kanilang pangalan para sa isang cheap, low graded crap na ito. Posting their hilarious past is so insulting to the eye of their avid followers. As professionals today we have to follow copyright options because we have the right to maintain our status in our society as clean as it is. I command you, keep those trash in the baggage of our past and throw it away in the sea of oblivion. Huh? okay!
Pang-apat na tanong: Bakit nga ba naisipan mong sariwain pa ang mga nakaraan eh hindi naman pala presentable? Proud ako na mapabilang sa Most Controversial Class ng Batch 2007. Ito ang klase na nagpasaya noong ako'y nalungkot at nagpalakas ng loob ng ako'y natakot. Ito yung klasing kinainisan ng BEED groups dahil sa di maitangging gap nila sa isa't-isa. Ang isang grupong pumakyaw ng mga organisasyon sa buong campus. Ang isang grupong inilagan ng mga alanganing guro tulad ni korekdat (correct that?) Ang grupong nagmistulang kindergarten pupils nang maghabulan sa napakalawak na oval open ground. Ang grupong binuo ng mga matatalino, mga talentado, mga gwapo, mga magaganda, mga sexy, mga weird, mga kengkoy, mga shunga-shunga, mga beki, straight o discreet, grupong major major ang iniwang bakas sa paaralang nilisan nila. Sa sarili ko, isa rin ako sa masasabing controversial pupil ng batch na ito. Nagkacrush ako kay Ja*** (ayuko ng magbanggit ng names baka ipakulong na ako) Sinasabi din dilang nakiss ko daw si Da*** noong nagnight swimming kami. Nagkaroon ako ng palpak na performances and emceeing sa ilang programs. Halos maging palpak ako sa pamumuno ng SEB noong 2006 at napakarami pang iba. Proud ako sa mga nangyari and I'm ready to shout it to the world at papahintulotan ko kahit na sinong ikuwento ito ng walang pakundangan. As long as the information is correct. Walang problema sa akin ang mga ganito dahil parte ito ng buhay ko at isa ito sa mga dahilan kung sino ako ngayon at kung ano man ang meron ako ngayon.
Panglimang tanong: Eh anong naging pagkakamali mo sa puntong ito? Naalala kong iba-iba pala tayo at kailangan nating respituhin ang katutuhanang ito. Patawarin sana ako ng mga naoffend at sana'y di ko lubusang nadungisan ang dalisay na estado ng iyong katayuan ngayon. Nais ko lamang ipabaon sa mga mambabasa na ang ating paglingon sa ating pinanggalingan ay kasing importante sa ating pagharap sa kinabukasan. Inirase ko na ang post na iyon pati na ang mga memories na gusto nating kalimutan, ay tenk yu!
Comments