TULAlang Pinoy

(Sa ulo ng mga nagbabagang bulong-bulungan sa bansa)


Rizal-Strasse!
Sa Eidelberg tumindig,
Nilibot ang daigdig,
Sa ‘Pinas nakatitig.

Ang Salarin
Filipino ang dila,
Diwa nama’y banyaga–
Pumapatay ng wika.

Hardinero. Haciendero. Politiko.
Napupuno ng galak,
Tuwing namumulaklak,
Ang bulok nilang balak.

Sa Ligang Batas
Ginigiliw si Neneng,
Sa kanyang gawang sining,
Ng pagsisinungaling.

Signal No. 5?
Nakatulala ako,
Sa gitna nitong bagyo,
Na animo’y demonyo!

Sa Bandang Huli...
Iniwanang tulala,
Buong bayang binaha,
Lugmok, walang magawa.

Pinoy Social Media
Sila’y nagbabangayan,
At nagpapayabangan,
Sa gitna ng kawalan.







Comments