Ang Alagang Robot Ni Tatay
Ni Ryan Labana
Araw ng pahinga. Walang pasok sina ate at kuya. Si nanay naman ay nasa kusina’t abala sa paghahanda ng pansit, tinapay at prutas katulad ng mangga.
Punong-puno ng halakhakan sa loob ng munti naming tahanan. Si Ate Rina ay pasayaw pang iwinawagayway ang bago niyang bestida. Si Kuya Roy naman ay ingat na ingat sa magara niyang sapatos. Nakita ko rin ang bago kung damit na nakapatong sa sofa.
“Rina at Roy, nasaan na ang bunso ninyong kapatid?” narinig ko ang malambing na tinig ni nanay. “Papagbihisin na nga ninyo at darating na ang inyong tatay.”
Mas lalo pa akong nagtago sa likod ng malapad na pintuan habang rinig na rinig ko ang dagundong ng aking puso.
Sumilip ako sa maliit na butas ng aming pinto at nakita ko si ate at si kuya na ako’y hinahagilap sa kasulok-sulukan ng aming kwarto at sala.
“Nay hindi po namin makita si Rico,” sabay – sabay na sambit nina ate at kuya.
“Hay naku, tingnan nga ninyo sa likod ng malapad na pinto,” muling utos ni nanay.
Dinama ko ang tibok ng aking puso. Lab dab lab dab. Papalakas ito, papabilis at papitik – pitik habang papalapit sina ate at kuya sa aking kinalalagyan.
“Aha! Nandito ka lang pala,” pabiglang sambit ni kuya.
“Halika na, maligo ka na,” pasigaw na utos ni ate habang pareho nilang hinihila ang laylayan ng aking damit.
“Ayuko, ayuko!” unti – unting sumilip ang mga luha sa aking mga mata at nang marinig ko ang boses ni tatay ay tuluyan na akong ngumawa.
“O bunso ko, bakit ka na naman umiiyak? Di ka na naman ba sasama sa ating pamamasyal?” malambing na tanong ni tatay.
“Gusto niya kasing manood lang ng TV dito sa bahay,” sambit ni ate.
“At makipaglaro kay Goku at Doraemon,” patawang dagdag pa ni kuya.
“Bunso ko, halika at papaliguan na kita,” narinig ko ang papalapit na boses ni nanay.
“Ayuko, ayuko!” pagmamatigas ko pa.
Hinawakan ni nanay ang balikat ko. “Bakit ba ayaw na ayaw mong sumama sa ating pamamasayal, bunso ko?”
“Sasakay kasi tayo sa alagang robot ni tatay,” sambit ko sabay turo sa isang robot na tanaw namin mula sa aming bintana. Kasing – laki ito ng mga kalabang robot sa TV. Minsan ay nakita ko itong kumikinang ang mga mata. Narinig ko na rin ang nakakatakot nitong boses. Sinasakyan ito ni tatay katulad ng mga kalabang robot ng Power Rangers. Bigla na lang din itong umuusok at tumatakbo.
Nagtawanan sila nanay at tatay. Sina ate at kuya ay humagalpak pa nga sa tawa. Nasilip ko ring tumawa ang alagang robot ni tatay.
Umiiyak man sa takot ay pinilit pa rin ako ni nanay na maligo’t magbihis ng bago kong damit.
Maya-maya lamang ay nasa harapan na kami ng malaking robot. Tuwang – tuwa sina nanay at tatay at sina ate at kuya habang hinahaplos ang kalabang robot. Ako naman ay nasa likod ng palda ni Tiyang Dorina, natatakot.
“Tiyang Dorina, dito na lamang tayo sa bahay at manood ng cartoons,” pagmamakaawa ko.
“Dat is bad bebi ko. Kailangan, ikaw sama mamasyal kina ate at kuya, ok?”
Hanggang sa biglang sumigaw ang robot. Broom, broom, broom! Nakita ko ring isa – isang kinain ng robot sina ate at kuya. Nandoon na sila sa tiyan nito habang si nanay naman ay papalapit sa akin para ako’y ipalapa rin sa robot.
Lalo pa akong nagtago sa likod ng palda ni Tiyang Dorina at di ko na napigilang ngumawa nang naramdaman kong itinutulak ako ni Tiyang Dorina para kargahin ni nanay.
“Waaaah! Ayuko, ayuko!”
Habang ako’y karga, lumapit kami ni nanay sa robot. Nais kung magpumiglas pero di ko maigalaw ang aking mga kamay at paa na iginapos ng mga bisig ni nanay. Siguro nga ay kalaban ko din sina nanay dahil habang ako’y takot na takot, sila nama’y tawa lang ng tawa, sa isip ko.
“Kami – hami – wave!” sinubukan kong sumigaw kung uubra ba ang power ni Goku pero mas papalapit lang kaming lalo sa nakakatakot na robot.
Umiyak ako ng umiyak samantalang lalo lang silang tumawa at humagalpak. Hanggang sa tuluyan na kaming kinain ng alagang robot ni tatay at naramdaman kong nasa tiyan na kami nito. Iyak pa rin ako ng iyak lalo na ng tumunog ang robot at nanginig. Dahan – dahan itong naglakad at unti – unting tumakbo. “Waaaaaaaah!” buong lakas akong sumigaw kaya’t niyakap ako ni nanay.
“Ssssh, bunso ko. Huwag kang matakot. Hindi ka naman mapapahamak dito sa loob ng sasakyan.”
Umiiyak pa rin ako hanggang sa naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin. Tiningnan ko sina ate at kuya na nakangiting tinuturo ang magagandang tanawin na madaanan namin sa labas ng robot. Nabawasan ang paghikbi ko at nagsimula na akong suminok – sinok. Pinahid ko ang aking mga luha. Pati ang sipon ay pinahid ko na rin ng aking braso. Tinanggal ko ang mga kamay ni nanay mula sa pagkakayakap at unti – unting lumapit kina ate at kuya.
“Kuya, ano ‘yun?” tanong ko habang itinuturo ang malalaking TV sa mga nagtataasang gusali.
Nagtawanan silang lahat at naramdaman ko ang mga kamay ni nanay na pumatong sa aking mga bisig. “Nanay nasa tiyan pa rin ba tayo ng alagang robot ni tatay?” Muli silang nagtawanan at muli rin akong niyakap ni nanay.
“Bunso ko, wala tayo sa loob ng tiyan ng robot. Nasa loob tayo ng dyip. Ito ang pambansang sasakyan ng Pilipinas na naghahatid sa atin sa mga magagandang pook at lugar sa ating bayan at nagdudulot ng masayang paglalakbay.”
Marami pa sana akong itatanong pero nawili na ako sa napakaraming magagandang tanawin na aming nadaanan. Tuloy pa rin kami nina ate at kuya sa aming tawanan at tuluyan ko ng nakalimutan kalabang robot na aking kinakatakutan.
*Ang akdang ito ay kalahok sa:

na inilunsad sa pakikipagtulungan ng:
Salamat sa mga sponsors:
Comments