Tuesday, January 17, 2012


Ito ang librong ibinigay sa akin ng espesyal kong kaibigan nitong nakaraang pasko. Ito rin yata ang nais niyang sabihin sa akin dahil minsan nga naman annoying ang nalilink sa isang taong di mo naman gusto- ang malink sa akin, hahaha. Hindi ito self pity ha! Face the truth na lang, hehehe. Hindi ko natapos basahin ang librong ito nang isang upuan lang. Mga tatlong higa yata habang nakakuyakoy, hehehe. Maganda naman ang plot at ang mensaheng nais nitong ipabatid sa mga mambabasa pero medyo nakulangan ako sa mga sahog nito. May nais akong mabasa na hindi ibinigay ng librong ito. Mataas yata ang pananabik ko kaya medyo nabitin rin ako. Pero isa lang magandang dulot nito sa akin- bigay ito ng espesyal na tao at ito ang mensaheng kailangan ko mula sa kanya para maipagpatuloy ko na ang buhay na meron ako noong wala pa siya. Haizt!

No comments: