Ibahin Na Lang Natin Ang Usapan

Walang malamig na umaga sa kapeng  nagbabaga!

Nakakatulala ang mga pangyayari sa kapaligiran. Mula sa bangayan nina Corona at PNoy hanggang sa showbiz tsismis sa pagitan nina KC Conception at Piolo Pascual, lahat ng mga tao ay apektado na sa mga usapin sa lipunan. Ang bigat naman...

Ibahin na lang natin ang usapan. 
Nagbabasa ako kanina ng HeartBreaker issue ng PSICOM nang bigla na lang may mga batang kumanta sa bintana namin. "Pasko na naman o kay tulin ng araw..." Nabigla ako dahil napakababa ng boses ng mga batang kumakanta. Dalawa lang sila actually. Binigyan ko sila ng limang piso at sa kalagitnaan pa lang ng kanta ay tumigil na sila... "thank you, thank you, ang babait ninyo!" Bakit kami noon kapag nangangaroling, requirements na tapusin ang kanta hanggang sa parte ng "we wish you a merry Christmas..." Kahit na bigyan pa kami ng 25 centimos o 100 pesos, kailangang tapusin ang kanta? Boring pag-usapan...

Ibahin na lang natin ang usapan.
Nahihirapan akong hanapan ng regalo ang monito ko sa aming opisina. Love ko kasi ang taong pagbibigyan ko ng regalo kaya super conscious ako sa magiging reaksyon niya pagbukas nito. Gusto ko siyang bilhan ng nakita kong jacket pero baka di magkasya sa kanya. May nakita rin akong backpack pero hindi naman siya gumagamit ng bag. Bakit dati picture frame lang ay pwede na... Ang corny naman ng topic.
Merry Christmas and Happy New Year

Ibahin na lang natin ang usapan...
Nais kong magpasalamat sa Poong Maykapal dahil sa umaapaw na biyayang hatid niya sa akin, sa aking kapamilya, at sa mga taong nakapaligid sa akin. Salamat po Lord dahil matatapos ang taon na puno ng saya sa aming puso dahil ikaw ang aming naging gabay sa bawat desisyon na ginawa namin sa loob ng isang taon. Ang papuri't pasasalamat ay inaalay namin sa Pangalan ni Hesus, na Iyong bugtong na Anak...

Merry Christmas sa lahat ng mga kaopisina ko mula sa Bayantel, Ventus, Teleserv at sa Results. Binabati ko rin ang lahat ng mga kaibigan ko sa East Central School, TTMIST-SLS, TTMIST/NwSSU. Salamat po sa mga panalangin mula sa pamilya ko sa LJOR Church. Ang kumunidad na humubog sa akin ay may malaking papel din sa aking pagkatao. 

Maligayang pasko din lalong lalo na sa pamilya ko. Sa mga pamangkin ko: Shenshen, Biboy, Pempem, Precious, Bombay, Betchoy, Tiye, Justine, Janus, Jobel, at Lawrence. Sa mga minamahal kong kapatid, Kuya June, Ate Iday, Ate Marlyn. Kuya Barry, Kuya Lando, Chea,Ate Raquel, Johnjohn, Kuya Dodong, Lina, at Rea. Siyempre, binabati ko rin ang dahilan ng pagiging ako, ang pinakamamahal kong Mama Linda. Mahal ko kayong lahat mula sa kaibuturan ng puso ko.

Isang pagbati din sa lahat ng mga kasamahan ko sa mundo ng panulatan.


Comments