Coco Martin: Ang taong kinikilig, sa akin nakatitig!



Coco Martin: Ang taong kinikilig, sa akin nakatitig
 
We saw Coco Martin sa Cinerama Complex kahapon. Siyempre, takbuhan kami papalapit sa kanya. Marami ang tao pero nakipagsiksikan kami, ipinaglaban namin ang aming karapatan na siya'y makita ng malapitan, mahawakan ang kamay, makausap at makiss (kung subrang mapalad ka, hahaha). Naalala ko ang joke niya nang una ko siyang makita sa hallway ng ABS-CBN, Coco: Ang taong kinikilig sa akin nakatitig, wapak. Natural, humiyaw kami. Ang isa ko namang kasama tumambling sa kilig, tapos bumula ang bibig at hinimatay (joke lang!) Balik tayo sa Cinerama, kumanta siya ng Tayong Dalawa. Dumagundong ang buong mall animo'y nagkaroon ng lindol sa pinakamataas nitong intensity. Bata, matanda, bakla, tumboy, babae, lalake, basta tao kahit mukhang unggoy sumisigaw ng I love you Cocoooooooo! Hindi kami nagpatalo, linakasan pa namin ang aming hiyawan. Maya-maya lang natapos ang unang song number niya, kumaway siya sa amin (marahil ay napansin ang aming kahalingan sa kanya, by the way sabit lang ako ha, nakikisakay lang pero parehong enjoyment ang aming naramdaman). Kumanta siya ulit ng theme song ng Idol. Ang galing niyang kumanta pero mas magaling siyang ngumiti. Bumaba siya ng stage at lumapit sa amin, siyempre naman noh, mas lalo pang lumakas ang hiyawan namin. Mag kasing-height lang kami ni Coco. Kung ikukumpara siya kay Jon Avila, Ian Batherson at Gabby Conception, masasabing lamang ang tatllo sa kulay at tangkad pero kakaiba pa rin siya, nakakakilig pa rin ang mukha niya. Haay naku! Coco, anong silbi ng MERALCO? kung ikaw naman ang liwanag ng buhay ko. Tama na ang imagination balik tayo sa Cinerama ulit, shake hands, hi-hello kay Coco pero mahirap magpapicture sa kanya. Ang dami niyang bodyguard. Ang balita, pagmakulit daw ang fans binabaril kaagad sa bunganga at iniiwanang nakabulagta. Oh ano magpapapicture ka pa ba? Akyat ulit siya ng stage hinubad ang polo at naiwan ang white sando. Ayon, nagkaroon ng komusyon. Lalong nagkagulo, animo'y tinablan ng rabbies ang mga tao at naulol. Daig pa namin ang mga anti-administration na nagrarally sa Recto. Daig rin namin ang healling session ng isang religious group, may mga pumasok na ligaw na espiritu, may hinimatay at nabaliw- kung anu-ano ang pinagsasabi (joke lang ulit di ko kasi maexplain ang kaguluhan eh hehehe). Pangatlong song na ni Coco, yung theme song nga ng teleserye ni Kris, basta yun na yun. Aba'y wala pa ring kapaguran ang mga tao. Habang nag-aalburuto ang bulkan sa Sorsogon, sa Cinerama naman ay pumutok na ang bulkan sa tuktok ng mga lalamunan ng mga tao. In a flash vivid scene, naggoodbye na si Coco, tapos na pala ang show. Nabitin kami. Kamot sa ulo, binasag ang pinggan  dahil bitin. Nawala na ng tuluyan si Coco na kahit sa parking area ay sinundan pa rin. Naiwan naman ang mga tao, paos di na makapagsalita, sign language na lang ang drama habang nagsashopping sa mall. Tahimik ang mall, animo'y nagluluksa dahil sa katutuhanang tanging pangarap na lamang na maangkin ang isang Coco!

Comments