Ang Huling Bulaklak
Lumuluha ang langit kasabay ng aming paghihinagpis. At sa paghagis ko ng huling bulaklak sa kabaong ni papa ay mas lalo ko pang naramdaman ang tinik sa puso ni mama. Napapikit ako ng mata kasabay ang pagtulo ng mga luhang piniga ng naninikip kong dibdib. At sa tuluyang paglamon ng madilim na nitso, bumagsak ang katawan ni mama sa aking mga nanghihinang bisig.
Ako si Marineth Plaser. Hindi ko inakalang darating ang panahon na hindi ko kayang maging masaya. Ewan ko ba pero simula ng pumanaw ang papa namin ay nakuntento na akong pumalagi sa bahay namin. Hindi na gaanong makulay ang paligid ko. Hindi na ako palakaibigan at hindi na ako interesado sa mga masasayang gawain sa labas ng bahay.
Isang makulimlim na hapon ng Hunyo. Unang araw ko noon sa kolehiyo nang makita ko si John Carlo Montesa sa loob ng aming silid-aralan. No’ng una’y pinukaw ng natatangi niyang kaguwapohan ang nahihimbing kong puso. Hanggang sa nahuli ko na lang ang sarili kong ngumingiti sa muling pagkakataon. Tatlong taon na ang nakalipas simula ng pumanaw si papa pero noon lang ulit ako naging sobrang masaya.
Hanggang sa…
"Classmate may assignment ka ba sa Natural Science?"
Nakaupo ako noon sa isang sulok at nagbabasa ng libro nang bigla na lang sumulpot ang crush kong si JC. Awtomatiko akong napalingon sa kung saang may salamin na pweding pagsipatan kung nasa ayos pa ba ang hitsura ko, kaso wala.
"Ha? Ah, yes mayroon akong assignment JC."
"Pakopya naman oh."
Kailanman ay di sumagi sa utak ko ang discouragement tungkol sa kawalan niya ng takdang-aralin. Lampas pa kasi doon ang tingin ko sa kanya. Tumabi siya sa kinauupuan ko. Iniabot ko sa kanya ang takdang-aralin ko at kinopya niya iyon ng buong bilis. Sa mga puntong iyon ay di ko napigilang titigan nang malapitan ang kanyang mukha — ang puti niya, malinis sa katawan, ang bango at ang cute talaga.
"Salamat classmate, sa susunod ulit ha."
What? Aba’y may plano pa pala siyang ‘wag gawin ang mga takdang-aralin niya? At aasa na lang siya sa pangongopya—sa akin?
Mabubuweset na sana ako pero nang umalingawngaw sa aking isipan ang mangyayaring pangongopya niya ulit sa akin ay biglang nanabik ang puso ko.
Ibig sabihin, tatabi siya ulit sa akin? Mamamasdan ko ulit ang mukha niya nang malapitan? At didikit muli ang bango niya sa suot kong damit?
Mas lalo pa akong nagpursige sa pag-aaral ko. Hindi puweding wala akong sagot sa mga takdang-aralin namin dahil walang makokopyahan si JC. Ano pa’t naging bisyo na nga niya ang pangongopya ng sagot ko sa mga takdang-aralin namin. Hanggang sa tuluyan na lang siyang umaasa sa akin pati sa mga projects and quizzes niya.
Maaaring hindi na maganda ang ganoong kalakaran pero sa maniwala kayo’t sa hindi, walang kapantay ang kasiyahan kong panindigan ang ganoong gawi.
Lumipas pa ang ilang araw, buwan at taon. Mas lalo pa kaming naging malapit sa isa’t-isa. Biological Science ang kinuha naming major subject sa kursong Bachelor of Secondary Education kaya naging magkaklase pa rin kami hanggang sa mga major classes namin.
Third year college kami noon nang…
"Monet, pwede ba kitang maging girlfriend?"
Magpapasko noon ng marinig ko ang isang nakakapanabik na tanong ni JC para sa akin. Kung takdang-aralin man ito ay bakit pa niya tatanungin eh alam naman niya ang sagot? Umayos ako ng upo. Sinubukan ko kung uubra ba ang estilo ng pagpapakipot pero nang iabot niya sa akin ang magagandang Rosas ay bigla ko na lang siyang niyakap. Sumunod no’n ay ang napakatamis kong ngiti at walang kagatul-gatol na ‘yes.’ Tumalon siya sa tuwa kasabay ng pagtalon ng puso ko sa kilig. Ang saya-saya ko talaga nang mga oras na iyon. Para akong nasa alapaap habang hinaharana ng mga anghel.
Kinabukasan…
"Guys, ipapakilala ko sa inyo ang nobya ko, si Monet!"
Naghiyawan ang mga kaklase namin dahil sa balitang iyon ni JC. Actually, matagal na rin nilang sinasabi na bagay kami. Minsan nga ay pinagpipilitan pa nilang kami na kahit di pa naman nanliligaw sa akin si JC. Niyakap niya ako sa harap ng aming mga kaklase at pagkatapos ay iniabot sa akin ang mabangong puting Rosa.
Naging masaya ang pagsasama namin ni JC. Ipinakilala ko siya kay mama at sa mga kapatid ko at ganoon din siya, ipinakilala niya ako sa mga magulang niya at sa iisa niyang kapatid.
"Mahalin mo si JC ha." Isang matamis na pakiusap ang aking narinig mula sa kanyang ina.
"Pangako tita, mamahalin ko si JC."
Ang pag-iibigan naming dalawa ay naging banayad. Walang tumututol sa aming pagmamahalan. Walang mga balakid sa aming samahan.
Hanggang sa…
"Bulaklak na naman," pataray kong sambit sa kanya. "Iyan na lang palagi ang ibinibigay mong pampalubag-loob tuwing hindi ka sumisipot sa mga date natin." Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa loob ng bakanteng silid-aralan.
"Monet, it was an emergency. Please believe me," pagmamakaawa niya. Nilingon ko ang maamo niyang mukha at dagling nawala ang inis sa puso ko. Lumapit muli ako sa kanya at niyakap ko siya.
"I love you, JC. Sana ay di ka magbago."
"Maniwala ka sa akin Monet. Mahal na mahal kita."
Lalong tumatagal ay mas lalo kong napapansin ang panlalamig ni JC sa aming relasyon. Umaabot ba talaga sa puntong magkakasawaan kayo sa isa’t-isa? Kumabog ang dibdib ko. Pipilitin ko pa ring maging maayos ang lahat kahit na nakakaramdam na ako ng pagod sa pagmamahal sa lalakeng walang isang salita.
"JC, di natin maaayos ang lahat sa pamamagitan ng mga bulaklak na iyan. Diba usapan natin na alas tres tayo magkikita sa library? Saan ka ba nagpunta? Bakit hindi ka na naman sumipot?"
Niyakap lang akong bigla ni JC at naramdaman kong nais niyang umiyak pero pinipigilan niya.
"Bakit? May problema ba? Sabihin mo naman sa akin JC. Mahal mo pa ba ako?" gulong-gulo ang isip ko nang mga oras na iyon. Nararamdaman ko kasing may problema. Alam kong may nais siyang sabihin na pilit niyang itinatago sa akin. "JC, speak up."
"Wag ka ngang praning," nagulat ako sa pagbabago ng aura niya. "Walang problema. Sinamahan ko lang si mama sa dentist niya. Namilit kasi kaya di ako nakatanggi."
Napasanghap ako ng hangin. Alam kong nangangatwiran lamang siya kaya umalis ako’t iniwan siya.
Isang araw, hindi ko inaasahang makasalubong si JC sa tapat ng Registrar’s office namin, di kalayuan sa mula Clinic ng paaralan.
"Saan ka nanggaling JC?" Nanlaki ang mga mata ko nang di niya ako pinansin. Lumingon ako sa kanya na dire-diretso lang ang lakad. "Huh? Deadmahin ba ako?"
Hindi ko pinansin ang nakapatong na bulaklak sa upuan ko nang pumasok ako kinabukasan. Itinabi ko iyon sa bakanteng upuan sa likurang bahagi ng silid-aralan. ‘Buweset, hindi man lang humingi ng tawad!’
"Ok class; please prepare one-fourth sheet of paper." Tinangay na ng guro namin sa Psychology ang aking atensyon. Pinilit kong wag munang pansinin si JC.
"In a one fourth sheet of paper, please right down your feeling this afternoon," sambit ni sir.
Matapos ang limang minuto ay muling nagbigay ng panuto ang guro namin. "Please submit your paper to Ms. Plaser." Nagtaka ako sa mga pangyayari hanggang sa binasa ko isa-isa ang mga papel na ibinigay sa akin. Ang lahat ay may nakasulat na ‘I’m sorry Bhe!’ Umalsa ang dugo ko sa hiya. Sa halip na mainis ako ay napahagulgol ako sa gitna ng klase. Maya-maya lang ay naramdaman ko na lang ang yakap ni JC. Pagkatapos ay iniabot niya sa akin ang mga Rosas kasabay ng palakpakan at hiyawan ng buong klase. Matapos iyon ay napag-usapan sa aming talakayan ang behavioral changes ng isang tao.
Akala ko ay matatapos na ang nakakainis na ugali ni JC—ang di pagsipot sa mga lakad namin, sa minsang di niya pagpansin sa akin, at sa mga nakakaloko niyang pag-uugaling di ko maintidihan.
Tama nga ako. Tapos na nga ang ganoong tagpo sa pagitan naming dalawa dahil matapos ang kaganapan sa loob ng Psychology class ay di ko na siya muling nakita pa. Nalaman ko na lang na huminto na siya sa pag-aaral. Sukdulan ang pagkainis ko sa kanya dahil pinagmukha niya akong tanga. Ako itong girlfriend niya pero ni sa text ay di man lang siya nagpasabi. Buweset ka JC. Ang daming tanong na iniwan mo sa isip ko!
Hanggang sa dumating ang isang araw…
"Ipinabibigay ng mama ni JC."
Pasukan na noon sa paaralan. Sa kabila ng mga pasakit ay dapat pa rin akong magpasalamat dahil fourth year college na ako. Matatapos ko na rin ang pag-aaral ko. Umupo ako sa dating silyang pinagpatungan ko ng bulaklak na bigay ni JC. Binuksan ko ang iniabot na brown envelope ng ka-schoolmate naming kapitbahay daw ni JC. Isang diary pala ni JC ang laman nito:
June 21, 2004. Napakaganda ni Monet. Iaabot ko sana sa kanya ang bulaklak na ito pero nakakahiya naman, baka isipin niyang isa itong suhol sa pangongopya ng assignment niya (may isang tuyong Rosa na nakaipit sa diary).
December 13, 2006. Akala ko ay matatapos na ang buhay ko sa araw na ito. Narinig ng Panginoon ang panalangin ko na bago sana ako magpaalam ay magawa ko ang matagal ko nang nais gawin—ang ligawan ang babaeng muling nagpangiti sa akin.
December 14, 2006. Salamat Panginoon sa idinagdag mong bilang ng mga araw ko. Kanina nga ay sinagot na ako ni Monet. Napakasaya ko Panginoon. Simula ng matuklasan ko ang sakit kong lung cancer ay hindi ko inakalang ngingiti pa pala ang puso ko.
December 24, 2006. Sana, mapatawad ako ni Monet sa hindi ko pagsipot sa date namin. Inatake na naman kasi ang ulo ko. Kailangan kong pumunta kaagad sa doctor.
February 14, 2007. Panginoon kung mayroon man akong panalangin iyon ay sana malaman ko kung kailan ako aatakihin ng sakit ko para hindi ko mapangakoan si Monet nang di ko mapapanindigan.
February 28, 2007. Galing ako sa clinic. Nakasalubong ko ang mahal ko pero kailangan kong lumayo. Sana di niya nakita ang dugo sa ilong ko. Iniasa ko na nga sa kanya ang mga assignments ko tapos idadamay ko pa siya sa problema ko?
May 1, 2007. Summer time, di ko alam kong hanggang kailan na lang ang huli kong paghinga. Salamat Panginoon at ipinakilala mo sa akin si Monet. Akala ko ay papanaw na lang ako ng walang saysay ang buhay. Sana ay masaya si Monet katulad ng kung papaano niya ako pinasaya. At sana, mapatawad niya ako kung hindi ko hinayaang masaksihan niya ang pagkalagas ng aking buhok at ang pagbagsak ng aking puso.
Niyakap ko ang kanyang diary kasabay ng pagtulo ng mga luhang nahahapis. Akala ko ay wala nang sasakit pa sa pagkawala ni papa, akala ko…
Lumuluha ang langit kasabay ng aming paghihinagpis. At sa paghagis ko ng huling bulaklak sa kabaong ni JC ay mas lalo ko pang naramdaman ang tinik sa puso ko. Napapikit ako ng mata kasabay ang pagtulo ng mga luhang piniga ng naninikip kong dibdib. At sa tuluyang paglamon ng madilim na nitso, bumagsak ang katawan ko sa mga nanghihinang bisig ni mama.

Ito ay kalahok sa Saranggola Blog Awards 6
Comments