Sa Aking Palagay features: Dalawang Yugto ng Pag-aasawa

Pictures by google.com
     Based sa aking obserbasyon sa mga mag-asawang nakapaligid sa akin, nabuo ang sariling kong pakahulugan sa salitang marriage.
      Mayroong dalawang phases ang marriage life. Ito ang love at first union at ang forever responsibility.  Ang love at first union ay tumatagal lamang ng ilang taon mula ng ikinasal ang mag-asawa. Sa phase na ito, napupuno ng love, romance at attraction ang bawat isa. Dito umuusbong ang tinatawag nating "love is blind" sapagkat sa phase na ito, ayaw pagmasdan ng bawat isa ang mga kapuna-punang negatibong features ng kapareha ito man ay sa pisikal na aspeto, emotional, psychological at iba pa. Dahil sa overwhelming emotions na ito, nawawala ang basic logic ng isang tao as far as his/her partner is concern. Halimbawa: Alam ng isang babae na hindi stable ang trabaho ng lalake pero babaliwalain niya ito sa ngalan ng pagmamahal. Maririnig natin ang katwirang "makakayanan namin 'to, magpupursigi kami at magiging masagana din ang buhay namin." Ang positibong pananaw na ito ay umusbong dahil sa love kaya't masasabi nating 95% ang love at 5% lamang ang responsibility sa phase na ito.
      Ang ikalawang phase naman ng marriage life ay tumatagal ng habang buhay. Ito ang tinatawag kong responsibility forever. Sa phase na 'to ay binibigyan ng pansin ng mag-asawa ang kanilang makakain sa araw-araw, ang pagpapaaral sa kanilang mga anak at ang samo't saring gastusin sa bahay. Sa phase na ito, naikakalas na ang piring sa mga mata at minamasdan na nito ang tunay na kalagayan at estado ng isa't-isa.  Hindi na mahalaga kung mala-Brad Pete at Angelina Joli ang itsura ng bawat isa kundi ang maibigay nila ang masaganang buhay sa pamilya. Hindi na applicable dito ang "love is blind" sa halip ay binabantayan na nila ang mga negatibong features ng bawat isa upang isumbat sa panahon ng pagtatalo. Halimbawa: babae: ni hindi mo nga maibigay ang pangangailangan namin ng anak mo. Lalake: Eh hindi mo nga ako mapagsilbihan ng maayos tapos pag-uwi ko pa ang kalat-kalat ng bahay." Sa totoo lang hindi naman nature ng lalake na pansinin ang kalinisan ng bahay nila pero ito ang malakas nilang sandata laban sa babae sapagkat ito ang sumasalamin sa personalidad ng babaeng may pamilya. Kung ating papansinin ay may 95% ang responsibility at 5% na lamang ang love.
      Bakit may mga successful na pamilya at may failure din na tumatahak sa parehong phases?
      Successful ang isang pamilya kung aware sila sa dalawang phases na ito at handa ng makipagsapalaran sa tunay na buhay-may-asawa. Failed naman ang pamilya kong inaakala nilang panghabang-buhay na ang nararamdaman nila sa unang phase pa lamang ng pag-aasawa at mabibigla na lamang ang kanilang kamalayan sa pagsapit ng ikalawang phase.
      Karagdagang punto: Ano ba ang love na tinutukoy sa komentaryong ito. Marami tayong definitions sa love. In fact, bawat isa sa atin ay mayroong pakahulugan dito. Pero ikaw, sa sarili mo, with full honesty without following your society's and religion's point of view, ano ba ang love? Well, parasa akin, ito ay isang very intense and very powerful feeling na nagdudulot ng so much hapiness at seguridad sa aspetong emosyonal.

Comments